Dahil po sa nagbabadyang pagtaas ng kaso ng Covid-19 dito po sa ating bayan at sa buong lalawigan ng Bataan, ang pamahalaang panlalawigan po ay nagsagawa ng Bayanihan, Bakunahan sa Barangay sa loob ng limang araw.
Bilang pakikiisa po natin sa magandang adhikain na ito, nagpabooster shot din po tayo sa Mariveles Heroes Hall Vaccination Site kahapon, Hulyo 20.Kaninang umaga naman po, Hulyo 21, dumalo po tayo sa Daily Raffle Draw upang bumunot ng mga maswerteng nagpabakuna kahapon sa Heroes Hall para mananalo ng One Thousand Pesos (P1,000.00) cash prize. Ang mga nanalo po sa ginanap na raffle sa Cabcaben Covered Court at Mariveles Heroes Hall ay maari parin pong manalo sa gaganaping Grand Raffle sa ika-26 ng Hulyo, na I-lilive sa Official Facebook Page ni Governor Joet Garcia.Kaya hinihikayat po nating muli ang lahat ng ating kababayang hindi pa nababakunahan o hindi pa kumpleto ang primary at booster shots na makiisa at magpabakuna, mula ngayong araw hanggang ika-23 ng Hulyo, at sa ika-25 ng Hulyo.