Pinangunahan po ng inyong lingkod kasama si Konsehal Ivan Ricafrente, Konsehal Omar B. Cornejo, Public Employment Service Office (PESO) Head Ms. Leah Pazcoguin at mga kawani ng PESO Mariveles ang pagbibigay ng mensahe para sa ating mga estudyanteng kwalipikadong maging bahagi ng Special Program for Employment of Students (SPES). Sa pamamagitan po nito, mabibigyan ng karanasan ang mga estudyante upang tulungan silang gumawa ng matalinong desisyon sa pagpili ng kurso at trabahong ninanais nila sa hinaharap habang sila ay nag aaral pa. Sa hiwalay na pagkakataon ay nagtungo rin si Vice Mayor Lito Rubia at Konsehal Dan Banal upang personal na magbigay ng mensahe sa mga estudyante.
Ang SPES Program na ito ay naglalayon ding magbigay ng pansamantalang trabaho para sa mga kababayan nating estudyante na nangangailangan upang makatulong sa pamilya at maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.