Skip to content

Bayan ng Mariveles

#MarivelesMunaMarivelesUna

Menu
  • Home
  • Transparency
    • Bids and Awards
    • Executive Order and Issuances
  • Career
  • About Mariveles
    • History
    • Mission and Vision
    • Executive Office
    • Legislative Office
Menu

Pagtataguyod ng kapakanan ng mga batang Mariveleño | The Lake Hotel, Tagaytay City, Agosto 17-19, 2022

Isa sa ipinagmamalaki ng ating bayan ay ang mga programa nating naglalayong bigyan ng maganda, masaya, ligtas at makahulugang kinabukasan ang ating mga batang Mariveleño. Ang Municipal Council for the Protection of Children ang ating katuwang sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga bata upang matiyak na may tama, angkop at mapapakinabangang mga programa at aktibidad ang nakalaan para sa kanila.
Sa loob ng tatlong araw ay atin pong pag uusapan, tatalakayin at pag aaralan ang mga isyung kinakaharap ng ating mga bata at batay dito ay gagawan natin ng mga kaakibat na programa at aktibidad upang matugunan ang pangangailangan nila. Kasama ang iba’t ibang mga kawani mula sa publiko at pribadong sektor, nagplano po tayo para sa isang maganda at masayang bukas para sa mga batang Mariveleño.
#1Bataan
#YesMariveles
#MarivelesMunaMarivelesUna
#TatakKuyaAJ
You are here: Home » News » Pagtataguyod ng kapakanan ng mga batang Mariveleño | The Lake Hotel, Tagaytay City, Agosto 17-19, 2022

Contact us: