Matagumpay ang isinagawang pagpupulong para sa Grand Master Plan ng Ikatlong Distrito na nakasentro sa turismo ng mga Bayan ng Dinalupihan, Bagac, Morong at Mariveles. Sa pangunguna ni Congw. Gila Garcia, inilahad niya ang mga plano, programa, aktibidad na mangyayari sa Ikatlong Distrito na tiyak na magpapasigla sa mga bayan, magbibigay ng mga karagdagang trabaho at magbibigay sa Lalawigan ng Bataan ng karangalan. Nakasama po natin sila Vice Governor Cris Garcia, Mayor Cynthia Estanislao ng Morong, Mayor Tong Santos ng Dinalupihan, Mayor Ramil del Rosario ng Bagac, Bokal Harold Espeleta, Bokal Jorge Estanislao, Bokal Popoy del Rosario, Bokal Angel Sunga, Provincial Engineer Enrico Yuzon, Provincial Planning and Development Officer Engr. Butch Baluyot, Architect Henry Mayuga, at ang mga municipal engineers at municipal planning and development officers ng apat na bayan.
Maganda ang nakikita nating kinabukasan para sa Ikatlong Distrito at ito ay dahil sa pagtutulungan at pagkakaisa ng apat na bayan tungo sa iisang pangarap at mithiin para sa nasabing distrito at sa kabuuan ng Bataan.