Sa unang araw po natin bilang punong bayan, dumalo po tayo sa isinagawang opening at blessing ng Housing Showroom para sa itatayong 1Bataan Village sa Freeport Area of Bataan.
Sa pagtutulungan po ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, mga kinatawan ng ikalawa at ikatlong distrito, Freeport Area of Bataan (FAB), at Home Development Mutual Fund (HDMF) o Pag-IBIG, mahigit siyam na libong (9000) housing units ang itatayo dito sa ating bayan para sa mga manggagawa ng FAB, kasama na rin po ang mga informal settler families at mga kabilang sa mandamus ng Korte Suprema para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.Dumalo po at nakiisa ang ama ng ating lalawigan, Governor Joet Garcia, kasama ang 2nd District Representative Congressman Abet Garcia, 3rd District Representative Congresswoman Gila Garcia, Pusong Pinoy Representative Congressman Jett Nisay, AFAB Administrator Engr. Emmanuel D. Pineda, Metro Stonerich Corporation President Engr. Maximillian Quintos, Architect Henry Mayuga, Sangguniang Bayan ng Mariveles sa pangunguna po ni Vice Mayor Lito Rubia at mga miyembro ng Coalition of Labor Unions sa Bataan.Isang Memorandum of Understanding (MOU) din po ang nilagdaan sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan at Home Development Mutual Fund (HDMF) / Pag – IBIG Fund para isulong ang mga murang pabahay na pangunahing mapapakinabangan ng manggagawa ng FAB.Lubos pong nagpapasalamat ang inyong lingkod sa mga proyektong naisasakatuparan sa ating mahal na bayan. Hangad po nating mabigyan ng ligtas, maaliwalas at masayang tahanan ang bawat isang pamilyang Mariveleño.