Pinuntahan at siniyasat po natin ang Mariveles Dialysis Center sa MAAP Road Brgy. Alas-Asin kasama ang Municipal Head Engineer Engr. Ildefonso Tarriela, Jr at mga kawani ng Municipal Engineering Office.
Atin pong pag aaralan at pag iisipan ng mabuti ang mga gagawin sa ating Dialysis Center kasama ang mga medical experts ng probinsiya at ng ating bayan. Bukod sa pagkakaroon ng mga equipments, mga kawani at maayos na implementasyon ng pagpapagamot, nais din nating gawing mas accessible ito sa ating mga kababayan dahil wala sa main road ang nasabing pasilidad. Napakalaking tulong nito sa ating mga kababayan na nagda-dialysis kaya nais nating maisaayos at mapakinabangan agad ito ng ating mga kababayan sa lalong madaling panahon.Makakaasa po kayo na bibigyan namin ng prayoridad ang kalusugan ng bawat Mariveleno tulad ng inilahad naming plataporma at programa noong nagdaang eleksyon.