Pinangunahan po ng inyong lingkod at ni MSWDO Head Sir Rey Cuadro ang ika-100 kaarawan ni Tatay Antonio, pinagkalooban siya ng ating Pamahalaang Bayan ng P50,000.00 at nakatanggap rin siya ng P100,000.00 mula sa Pamahalaang Pambansa.
Nakasama rin po natin sa parangal ang Sangguniang Bayan ng Mariveles na pinamumunuan ni Vice Mayor Lito Rubia, Municipal Administrator Tito Pancho Catipon, Municipal Treasurer Sir Erwin Villapando, at iba pang kawani ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles.
Maligayang kaarawan po sa inyo! Biyayaan pa po kayo nawa ng ating Diyos ng kalakasan, kalusugan at karagdagang mga masasayang taon kapiling ng inyong mga mahal sa buhay.