Bago po matapos ang buwan ng Agosto, atin pong isinagawa ang pagbibigay ng buwanang Birthday Cash Gift para sa ating mga Senior Citizens na may kaarawan sa buwan ng Hulyo 2022 sa Mariveles Peoples Park at Cristina Cabcaben Covered Court. Nakasama po natin ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Sir Rey Cuardro, Municipal Treasurer’s Office at Sangguniang Bayan Member Konsehal Omar B. Cornejo.
Personal po tayong pumunta upang makasama, makumusta at maibigay ang benepisyong handog ng ating lokal na pamahalaan para sa kanila. Patuloy po nating ipapamahagi ang mga benepisyong tulad nito sa ating mga senior citizens sa mga susunod pang buwan.
Patuloy pong magtutulungan ang iba’t ibang departamento ng ating lokal na pamahalaan para sa maagap at maaasahang serbisyong naglalayong makatulong, umalalay at sumuporta sa bawat pamilyang Mariveleño.