Kahapon po ay ating isinagawa ang pag bibigay ng Birthday Cash Gift sa ating mga Senior Citizens na may kaarawan sa buwan ng Mayo 2022. Nakasama po natin ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Sir Rey Cuardro, at ng Municipal Treasurer’s Office.
Masaya po tayong nakasama ang ating mga senior citizens upang personal na makumusta at maibigay ang benepisyong handog ng ating lokal na pamahalaan sa kanila. Magpapatuloy po ang ating pamamahagi ng mga benepisyong tulad nito sa ating mga senior citizens sa mga susunod na buwan.
Nagpapasalamat din po tayo sa ating mga kasamahan sa Sangguniang Bayan sa pagpasa ng ordinansang magpapatibay sa paghahandog ng mga benepisyo sa ating kababayan. Makakaasa po ang lahat na magtutulungan po ang iba’t ibang departamento ng ating lokal na pamahalaan para sa maagap at maaasahang serbisyong naglalayong makatulong, umalalay at sumuporta sa bawat pamilyang Mariveleño.