Sa pagkakahalal ng mga bagong opisyales ng ating lokal na pamahalaan, sapat, mas bago at kapaki pakinabang na mga kaalaman ang kinakailangan upang makatugon sa mga bagong hamon ng panahon lalo at tayo ay may kinakaharap pang pandemya. Nariyan din ang pagpapatupad ng Mandanas Ruling kaya mas malawak na responsibilidad ang ating gagampanan upang matiyak ang buong implementasyon ng mga batas at alituntuning nakapaloob sa ating Local Government Code of 1991.
Nagpapasalamat po tayo sa Department of Interior and Local Government, League of the Municipalities of Mariveles of the Philippines at DILG Local Governance Resource Centers sa oportunidad na matutunan ang mga batas, tungkulin at responsibilidad naming mga lingkod bayan para sa maayos at disenteng pamahalaan; madagdagan ang kaalaman para makasabay at mas maging matatag ang ekonomiya; makabuo ng mga konkretong planong angkop sa kasalukuyan; at matulungang makagawa ng plano at Executive Agenda sa ating unang isandaang araw sa panunungkulan. Kasama ang ilan pang mga lokal na punong ehekutibo, sumailalim po sa tatlong araw na seminar ang inyo pong lingkod para sa The Newly Elected Official Orientation Course: Primed Leaders for Renewed Local Governance.
Makakaasa po kayo na sa pagtatapos ng seminar na ito ay bitbit po natin ang mas malinaw, makabuluhan, maganda at epektibong plano para sa bawat pamilyang Mariveleño.