Sa pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo na may temang NEW NORMAL NA NUTRISYON. SAMA-SAMANG GAWAN NG SOLUSYON! Nagdaos tayo ng programang naglalayong tumutok sa nutrisyon ng mga batang hindi angkop ang timbang para sa edad. Mahalagang napagtutuunan ng pansin ang tamang nutrisyon sa murang edad pa lamang upang maging habit o kaugalian na ang pagkain na magbibigay ng sapat na sustanya, bitamina at lakas na kinakailangan ng ating katawan.
Kasama ang mga kawani ng ating Municipal Health Office sa pamumuno ni Dr. Gerald Sebastian, mga doktor, nutritionist, barangay health workers, barangay nutrition scholars at SB Committee on Health Chairperson Kon. Ivan Ricafrente, atin pong binigyan ng importansya ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at sa tulong po ng ating mga magulang, magagabayan natin ang mga bata sa pagkain ng mga masusustansiyang pagkain. Patuloy pong aalalay ang ating lokal na pamahalaan para mabigyan ang bawat pamilya ng tamang impormasyon at iba pang mga pangangailangan para matugunan ang problema sa malnutrisyon. Atin din pong hinihikayat ang bawat pamilya na simulan ang pagkakaroon ng munting gulayan sa kanilang bakuran nang sa gayon ay matiyak natin na tama ang makuhang nutrisyon sa bawat pagkain natin.