Mayor’s Cup Inter-Barangay Basketball & Volleyball Tournament 2022 Opening Ceremony

| Mariveles Sports Complex, 29 Agosto 2022

Inaabangan ang pagkakaroon ng mga palaro o paliga dahil hudyat ito ng unti unting panunumbalik ng sigla ng bayan. Kaya naman sa pagbubukas ng 2022 Mayor’s Cup Inter-barangay basketball and volleyball tournament, ikinatuwa po nating makita ang ating mga manlalaro mula sa labingwalong (18) barangay upang makipagtagisan sa volleyball at basketball.
Nagpapasalamat po tayo sa Committee on Youth and Sports Development at Sangguniang Kabataan sa ilalim ng pamumuno ni Federation President Konsehal Vincent Charles Banzon sa pag organisa ng nasabing mga palaro. Nagpapasalamat rin po tayo sa Mariveles Municipal Brass Brand at Mariveles Drum and Lyre Selection sa pagbibigay buhay at sigla sa isinagawang parada ng mga manlalaro at muse ng 18 barangay at sa programa.
Nakasama po natin sa seremonya ng pagbubukas ng Mayor’s Cup 2022 ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice-Mayor Lito S. Rubia, SB Members Konsehala Susan M. Murillo, Konsehal Ronald R. Arcenal, Konsehal Omar B. Cornejo, Konsehal Joey Carandang, Konsehal Vonnel Isip, Konsehal Ivan O. Ricafrente, Konsehal, Konsehal Dan Banal at Konsehal Jeff Peñaloza, ang labing walong (18) kapitan ng mga barangay sa pangunguna ni ABC Kap. Jun Villapando at mga SK Chairpersons.
Nagkaroon din po ng patimpalak sa Best Muse kung saan ang representante ng Barangay Mt. View ang hinirang na panalo. Naging masaya at punong puno ng pag asa ang naganap na pagbubukas ng Mayor’s Cup 2022. Nakita din natin ang mga potensyal na manlalarong maaaring panlaban natin sa labas ng Mariveles.
Bagamat nagkakaroon na ng mga ganitong aktibidad, atin pa rin pong mahigpit na pinapaalalahanan ang mga mamamayan na magsuot ng face mask at tumalima sa mga umiiral na health protocols dahil nananatili pa rin po ang banta ng Covid-19. Maraming salamat po.