Mahalaga ang pagkakaroon ng magandang ugnayan ng ating bayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno dito sa ating bayan. Isa ang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) na may malaking bahagi sa kaunlaran ng Mariveles at buong Bataan kung kaya ating hangad ang isang maayos na samahan, bukas na komunikasyon at aktibong pakikilahok sa mga usaping bayan.
Kasama po natin si Administrator Engr. Emmanuel Pineda, CAD Technical Officer Mr. Paul Robert Salapantan, Head Executive Assistant Ms. Maria Loreto Quicho at Senior Public Relations Officer Ms. Aileen Grace Pizarro, napag-usapan po natin kung paano magtutulungan ang AFAB at lokal na pamahalaan para sa kaunlaran at kaayusan ng bayan.
Nagkaroon din ng ceremonial turn-over ng mga water meters para sa mga kwalipikadong residente ng Barangay Malaya. Nagpapasalamat po tayo sa AFAB sa pagtulong at pagsuporta sa ating mga kababayan.