Ligtas at Handang Pamayanan, Mariveles Ang Una!
Ngayong umaga po, nag ikot po tayo sa mga lugar na naitalang mabilis ang pagtaas ng tubig baha kapag malakas ang ulan tulad ng mga lugar sa Barangay Camaya, Ipag at Balon Anito. Nakasama po natin sina Municipal Engineer Ildefonso Tarriela, Jr., PSO OIC Mr. Jaypee Jalos, MDRRMO Head Engr. Marcelo Serrano at ilan pang kawani ng PSO at MDRRMO.
Inalam po natin ang nagiging sanhi ng pagbaha sa mga nasabing lugar at ang posibleng maging tugon ng ating lokal na pamahalaan para maiwasan na ang muling pagtaas ng tubig baha. Makikipag ugnayan din po ang ating lokal na pamahalaan sa DPWH sa mga pagawaing maaari nilang maitulong sa atin.Kinamusta na rin po natin ang ating mga kababayan na naapektuhan ng malakas na pag ulan kahapon. Nagpapasalamat po tayo kay Kap Rodito Luyo ng Barangay Ipag sa pagsama sa atin sa pag iikot sa kanilang barangay.Muli po, ang paalaala natin na mag ingat po tayo lagi.