Nakiisa po tayo sa ginanap na kauna unahang pagpupulong ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Bataan Provincial Chapter para sa terminong 2022-25 noong ika-19 ng Agosto 2022. Tayo po ay itinalaga at nanumpa bilang isa sa mga miyembro ng Board of Directors.
Nakasama rin po natin ang mga Punong Bayan ng iba’t ibang bayan at hinirang na mga bagong opisyales ng LMP sina President Mayor Antonio Raymundo Jr., Vice-President Mayor Carlos Pizarro Jr., Secretary Mayor Efren Pascual Jr., Treasurer Mayor Antonio Joseph Inton, Auditor Mayor Ramil Del Rosario, Public Relations Officer Mayor Cynthia Estanislao, at mga kapwa ko Board of Directors na sina Mayor German Santos Jr., Mayor Alexander Acuzar, at Mayor Nelson David. Kasama rin po sila Gov. Joet Garcia, Cong. Gila Garcia, Cong Abet Garcia at iba’t ibang pinuno ng mga ahensya ng gobyerno sa probinsya na naglahad ng mga plano, programa at aktibidad na nakahanda para sa ating probinsya gayundin ang suporta nila sa LMP Bataan at mga bayan.
Isang karangalan po ito para sa akin at sa Bayan ng Mariveles. Nagpapasalamat po tayo sa ating kapwa Punong Bayan sa tiwalang kanilang ipinagkaloob para po sa ating probinsya at makakaasa po kayong magsisilbi tayo ng buong puso at galing para sa katungkulang ito.
Muli, Maraming salamat po at mabuhay ang lalawigan ng Bataan!