Expanded Provincial Health Board Meeting

| The Bunker, Capitol Compound, Balanga City, 2 Septyembre 2022

 

Dinaluhan po natin ang pagpupulong ng Provincial Health Board sa pangunguna ni Gobernador Joet Garcia kasama ang kapwa natin mga punongbayan sa pamumuno ni LMP President Mayor Antonio “Tonypep” Raymundo ng Bayan ng Orion, Provincial Health Officer Rosanna A. Manalo, Municipal Health Officers (MHO) ng bawat bayan, City Health Officer (CHO), mga representante ng PhilHealth, U.S. Agency of International Development (USAID), Non-Governmental Organization (NGO), Health Partners at iba pang mga stakeholders.
Napag-usapan po natin dito ang iba’t ibang programa at proyektong pangkalusugan partikular na sa pagpapatupad sa mga barangay ng Universal Health Care. Patuloy po ang ating kampanya para sa pagbabakuna kontra COVID-19, Tobacco Free Generation at pagpapalawig ng “Healthy Lifestyle” lalong lalo na sa ating mga kabataang mag aaral.
Asahan po ninyo na magiging maayos ang kalusugan ng bawat Bataeño at lalo na ang bawat Mariveleño dito sa ating bayan dahil na rin sa direksyong nais ipatupad ni Gov Joet. Patuloy po tayong makikiisa sa programang pangkalusugan na mapapakinabangan ng ating mga kababayan.