Electronic Health Record System Meeting
| Sangguniang Bayan Session Hall, 6 Setyembre 2022
Atin pong dinaluhan ngayong araw ng Martes, ika-6 ng Septyembre ang pagpupulong tungkol sa pagpapabilis ng serbisyong pangkalusugan. Nagbigay ang DBP Data Center, Inc. (DCI) ng isang presentasyon para ilatag ang health record system para magamit ng ating mga Rural Health Units at mga Barangay Health Centers dito sa ating bayan. Ang health record system na ito ay magagamit upang mabilis makita ang nakaraang kondisyon ng mga pasyente, at pwede rin makita dito ang mga reseta na ibinigay ng doktor sa ating mga pasyente. Sa pamamagitan nito ating mapapabilis ang pagbibigay ng magandang serbisyong pangkalusugan.
Nakasama natin sa pagpupulong na ito ang Mariveles District Hospital (MDH) Chief of Hospital Dr. Hector T. Santos at mga kawani ng MDH, ang mga miyembro Sangguniang Bayan, Chairman Committee on Health Konsehal Ivan Ricafrente, Chairman Committee on Public Information Konsehal Vonnel Isip at Konsehal Dan Banal.Atin pong ipaparamdam sa ating mga kababayan ang pagbabagong ito sa paghahatid ng maayos na serbisyong pangkalusugan. Titiyakin po ng inyong lingkod na maisasakatuparan ang lahat ng ito para maiayos, mapabilis at mapaganda ang sitwasyong pangkalusugan ng bawat pamilyang Mariveleño.