Layunin natin na mabigyan ng oportunidad na makapag aral ang bawat kabataang Mariveleño at kung may pagkakataon ng scholarship mula sa pribadong sektor ay atin pong ikalukugod. Kahapon po, ika-25 ng Agosto, nakasama natin ang pamunuan ng Dualtech Training Center Inc. upang pag usapan ang posibleng kasunduan sa pagitan ng ating lokal na pamahalaan upang magkaloob ng scholarship at maging ng trabaho sa pagtatapos sa ating mga kabataan.
Nakasama po natin ang Committee on Education Chairperson Konsehal Dan Banal, Mr. Leonard M. Calma, Manager for Partnerships and Programs at Mr. Rodolfo V. Sta. Ana III, Manager and Community Relations Dualtech Training Center Inc., Vice Mayor Lito Rubia, Municipal Administator Tito Catipon at Sangguniang Bayan Members Konsehal Joey Carandang, Konsehal Vonnel Isip, Konsehan Omar Cornejo, Konsehal Ronald Arcenal at Konsehala Susan Murillo. Nakasama rin po natin sa pagpupulong na ito ang mga punongguro at mga kaguruan ng pampublikong paaralan dito sa ating bayan.
Nilalayon ng scholarship na ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan nating nagnanais makapag aral ngunit kulang o walang kakayahang pinansyal. Atin pong ilalapit ito sa mga pamilyang nasa laylayan. Nais po ng ating pamahalaan na ang bawat pamilya ay magkaroon ng kakayahang maiangat ang kanilang buhay at ang edukasyon ang isa sa mga susi para dito.
Nagpapasalamat po tayo sa mga ahensya, organisasyon at mga indibidwal na nagpapaabot ng kanilang naising makiisa sa ating layunin para sa bawat pamilyang Mariveleño.