Ngayong panahon ng tag-ulan, isa sa binabantayan po natin ay ang mga kaso ng dengue dahil sa ganitong panahon po mataas ang tyansa ng pagdami ng mga lamok. Kaya naman sa paglulungsad ng ating pamahalaan ng programa para magbigay ng impormasyon tungkol sa dengue, na may pamagat na “Crush Dengue, Para di’ maglanding on you!”, tayo po ay nakiisa at nagbigay ng suporta sa programa na pinangunahan ng ating Municipal Health Office sa pamumuno ni Dr. Gerald Sebastian.
Nakasama rin natin sa programang ito si Municipal Administrator Tito Catipon, mga kapitan, kawani at barangay health workers ng mga barangay.
Pinapaalalahanan po tayo ng ahensya ng Department of Health na ugaliing gawin ang 4s Strategy upang labanan ang dengue at bigyang proteksiyon ang ating mga sarili laban sa kagat ng lamok na nagdadala ng Dengue Virus:
1. Suyurin at sirain ang mga pinamumugaran ng mga lamok.
2. Sumangguni sa pinakamalapit na pagamutan kung may nararamdamang sintomas.
3. Sarili ay protektahan laban sa lamok sa pamamagitan ng paggamit ng insect repellant, pagsuot ng long sleeves, at paggamit ng kulambo.
4. Sumuporta sa pagpapausok kapag may banta ng outbreak.
Palagi po nating panatilihing malinis ang ating kapaligarin, maging sa loob at labas ng ating bahay. Bilang isang mamamayan, responsibilidad po natin ang ating kalusugan kaya ang pag iwas sa sakit at ang kalinisan ay nagsisimula sa ating pamilya.