Dumalo po tayo sa isang Coordination Meeting kasama si MDH Chief of Hospital Dr. Hector Santos, Provincial Consultant on Special Projects Ms. Charlene Versoza, Dr. Ditas Moraleja, at Administrative Office Emelita Estigoy. Nakasama rin natin sa pagpupulong na ito nag kasama nating lingkod bayan ang Committee on Health Chairperson Konsehal Ivan Ricafrente, Vice-Chairperson Konsehal Dan Banal at Municipal Health Office Dr. Gerald Sebastian.
Sa aming pagpupulong, tinalakay kung paano magkakaroon ng maayos na koordinasyon sa pagitan ng Medics at MDH para sa mga pasyenteng nangangailangan ng serbisyong medikal. Pinagusapan din po natin ang project building at facilities na itatayo sa MDH partikular na ang Dialysis Center para may mas malapit na pagamutan na mapupuntahan ang ating mga dialysis patient na kababayan.
Sa pagtutulungan po ng Pamahalaang Bayan at iba’t iba pang health institutions dito sa ating bayan, makakaasa po kayo na marami pang programang pangkalusugan ang ating isusulong para sa pakinabangan ng mga kababayan natin dito sa Mariveles.