Bilang bahagi ng pagdiriwang ng July 2022 National Blood Donor’s Month, tayo po ay nakiisa sa isinagawang blood donation drive ng ating Municipal Health Office sa pakikipagtulungan sa Provincial Health Office at Department of Health. Mahalaga ang dugo dahil ito ay isang yaman na maaaring magdugtong ng buhay ng ibang tao. Sa pagtaas din ng kaso ng dengue at sa pagkakaroon ng mga sakit na nangangailangan ng pagsasalin ng dugo, nakikita po natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na suplay ng dugo upang makatulong sa oras ng pangangailangan ng ating mga mahal sa buhay.
Nakasama po natin si MHO Dr. Gerald Sebastian, Dr. Culala ng RHU4, Konsehal Ivan Ricafrente, Konsehal Joey Carandang, doktor at mga kawani ng Provincial Health Office, Bataan General Hospital, Department of Health, Municipal Health Office at maging sa Maheseco. Nagpapasalamat po tayo sa ating mga kasama lalo na sa ating mga volunteers.
Bilang pagtugon din sa panawagan ng pagbabahagi ng dugo, ang inyo pong lingkod ay isa rin sa mga nakiisa sa nasabing programa. Ang pagdonate ng dugo ay may benepisyo rin pong naidudulot sa mga blood donors kaya atin pong hinihikayat ang lahat ng mga kwalipikadong donors na maglaan ng oras po para dito.
Muli, maraming salamat po!