Kasaysayan ng Mariveles
ANG CAMAYA
Sa sinaunang panahon, ang Mariveles ay tinawag na CAMAYA, mula sa salitang Intsik na Ca-ma-yen, na ang ibig sabihin ay lugar na “ kung saan na ang manlalayag ay sumasalok ng sariwang tubig ”.
ANG MARIA VELEZ
Si Sr. Don Gregorio de Guzman, sa babasahin sa Estados Unidos na “The Citizen” na inilabas noong Hulyo 1920, ay pinasinungalingan ang alamat ng Mariveles na isinulat ni Foreman sa kanyang librong “The Philippine Islands” 1892 na nagsasabi na ang pangalang Mariveles ay hango sa pangalan ng isang madre sa Congregacion ng Santa Clara, na may pangalang Maria Velez at isang paring Franciscano, na ayon sa alamat ay nagkaroon ng ipinagbabawal na relasyon. Ayon kay de Guzman, ang pangyayari ng alamat ay malinaw na nagsasaad na naganap ito noong mayroon nang mga madre ng Santa Clara sa Maynila. Subalit ayon sa kasaysayan, ang mga unang madre ng Santa Clara na nagtayo ng kumbento sa Pilipinas ay tumulak buhat sa Mexico noong Abril 1, 1621, dumaong sa Bolinao, Zambales noong Hulyo 24, 1621 at nakarating sa Maynila noong Nobyembre nang taon din yaon. Malinaw na ang sinasabing pangyayari ay dalawang dekada o higit pa, pagkatapos maisulat sa kasaysayan ang mga pangalang Mirabilis, Manavilis, at Marivelez.
ANG PINANGALINGAN NG PANGALANG MARIVELES
Maraming kasaysayan at alamat ang naisulat tungkol sa pinanggalingan ng pangalang MARIVELES. Ang isa dito ay nabanggit ni Eulogio Rodriguez, dating direktor ng Pambansang Sinupan (National Archives) sa “Geographical History of Bataan Province” at ni Sr. Don Gregorio de Guzman, lokal na manunulat ng kasaysayan sa kanyang librong “Origen del Nombre de Mariveles” na nasa pag-iingat ni H.Otley Beyer sa Pambansang Sinupan. Ayon sa kanila ang pangalang MARIVELES ay nanggaling sa mga salitang “maraming dilis”, na naging maradilis, marauelis, mirabilis, marivelez.
Hindi maikakaila na ang karamihan sa pangalan ng lugar sa Pilipinas ay hango sa kung ano ang marami o katangi-tanging mayroon sa lugar. Ang DILIS (anchovia comersoniana) ay saganasa dagat ng Mariveles kaya ang paglalarawan sa lugar na “maraming dilis”. Nagkaroon ito ng iba’t ibang bigkas at baybay ayon sa mga naging sinaunang katawagan sa Mariveles. Dahil dito ang mga sumulat ng kasaysayan tulad ni Moriz, ay sinulat Manabilis, si Morga, Mirabeles, si Collin, Mariueles, si Blair-Robertson, Manavilis at si San Antonio, tulad ng iba ay Marivelez. Ngayon, kinikilalang tawag sa bayang ito ay Mariveles.
- KASAYSAYAN BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
- ANG MGA INTSIK
- KASAYSAYAN SA PANAHON NG MGA KASTILA
- LIMAHONG SA MARIVELES
- JURRISDICCION DE MANABILIS
- PUNLA NG KATOLISISMO
- CORREGIMIENTO DE MARIVELES
- COTA DE MARIVELES
- PAGKAKATATAG NG BATAAN
- BALAK NA PAGHIWALAY NG CABCABEN SA MARIVELES
- LAZARRETO DE MARIVELES
- PANAHON NG HIMAGSIKAN
- PANAHON NG PANANAKOP NG MGA AMERIKANO
- PAARALANG PUBLIKO
- PAGDATING NG MGA DAYUHANG RUSO
- IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
- PAGBABALIK NG MGA AMERIKANO
- PANAHON NG KAPAYAPAAN AMERIKANO
- PANAHON NG KAPAYAPAAN
Mayroon ng mga Aeta sa Mariveles na nandayuhan sa Pilipinas 25 000 – 30 000 taong nakakaraan. Sila ay mula sa gitnang Asya, dumating sa Pilipinas mula sa Borneo at kumalat sa buong kapuluan ng Pilipinas. Noong mga panahon, “ daang tao” lamang ang naguugnay sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas liban sa ruta na namamaybay o namamangka sa dagat. Sa ikatlong siglo,dumating ang mga Malayo-Indonesian buhat sa Asya at naitaboy ang mga Aeta buhat sa kapatagan tungo sa kagubatan.
Sa Mariveles, maraming pangalan ng lugar na buhat sa mga Aeta, tulad ng Apatot (isang uri ng punong kahoy), Kinalakhan (kinamatayan/ pinaglibingan), Samento (Hamento, sa may anito), Kinakulbutan (kinalagyan), Tabyo (malalim na bahagi ng ilog), Wain (wayen, kuhanan ng uway), Maradilis (maraming dilis), Mariuma (ngayon ay Morong , maraming suso na umang) at marami pang iba na nagpapatunay ang sinaunang presensya ng mga Aeta sa lugar na ito.
Noong ika –15 siglo, buhat 1389 –1424, sa paghahari ni Shi Tsu (Kublai Khan), Yuan, Ming, at Mongol, lumawak at lumago ang pakikipagkalakalan ng mga Intsik at namayani sila sa Pilipinas. Sa pananatili ng mga Intsik sa Mariveles ay hindi lamang pakikipagpalitan ng kalakal, sila rin ang nagsimula ng patibagan ng bato sa Punta Cochino. Kalaunan, dahil sa sakuna na kumitil ng buhay inilipat ang patibagan sa Lilimbon. Ang lugar ng Sisiman ang kanilang naging pamayanan. Ang mga Intsik na di Kristiyano ay pinaalis sa lalawigan simula ng 1754 upang tipunin sa Parian o Alcaceria sa San Fernando, Pampanga. Nanatili ang ilan sa Sisiman dahil sa pagyakap sa Katolisismo.
Marso 15, 1521 dumating si Magellan sa Pilipinas. Mayo 19, 1571, sinakop ni Miguel Lopez de Legaspi ang Maynila at ang mga karatig na lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Ang Pampanga noon ay sakop pa ang hilagang-silangang bahagi ng Bataan.
Noong 1574, isang piratang Intsik, si Limahong, ay tumulak buhat sa kanyang himpilang dagat sa Pehon, kasama ang 62 na pandirigmang barko lulan ang 4,000 mandirigma patungong Maynila. Una silang dumaong sa baybayin ng Mariveles noong Nobyembre 29, 1574. Buhat sa Mariveles, sa pangunguna ni Limahong at ni Sioco isang piratang Hapon ay sinalakay nila ang Maynila ngunit di sila nagtagumpay. Umatras ang mga pirata sa Mariveles at sila ay nagtuloy sa Lingayen, Pangasinan.
Noong 1578 ang mga lugar na Camaya,Lusong, Bagac, Morong (Mariuma) ay tinawag ng mga misyonero na “Jurrisdiccion de Manabilis ”
Noong 1579, ang punla ng Katolisismo sa Mariveles ay itinanim nila Sebastian de Baesa at Juan Pizarro, mga paring Franciscano, sa Sitio Samento.
Ang Samento ay nasa gawing kanluran ng Camaya na kung saan namamayan ang maraming katutubong Aeta. Ito rin ang sentro ng kalakalan at malapit sa sibul na mainit ang tubig (Balong Anito Hot Spring ngayon).
Noong 1583 ang unang kapilya ay natayo sa Samento.
Noong 1583, itinatag ni Gobernador Heneral Gonzalo Ronquillo de Peñaloza ang “Corregimiento de Mariveles”. Morong, Bagac, Lusong, Camaya, Cabcaben, Corregidor at Marigondon.
Bago matapos ang 1607, ang mga paring Agostino-Recoleto ay inatasang magpatuloy ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Corregimiento at nakarating sila sa Lusong at sa Bagac kung saan nakapagtayo sila ng kapilya at kumbento. Ang mga misyonero ay umabot din sa Bolinao, Pangasinan.
Noong Disyembre 14,1600, ang hukbong pandagat ng Kastila sa ilalim ni Admiral Rojo ay tinalo ang hukbong dagat ng Holandes sa karagatan ng Mariveles.
Noong 1662, isang Italyanong paring Dominico na ang pangalang Ricci, na kumakatawan sa piratang Intsik na si Kosingga ay dumaong sa Mariveles at inihatid ang banta ni Kosingga na aatakihin ang Maynila kung hindi sila kikilanin, ngunit namatay si Kosingga.
Dahil sa pamiminsala ng mga piratang Moro, itinatag noong 1739 sa utos ni Gobernador Heneral Fernando Valdez y Tamon ang tanggulang istraktura na tinawag na “ Cota de Mariveles.” Isa ang natayo sa gitna ng dalampasigan ng Camaya sa likod ng Casa Tribunal, ang ikalawa ay natayo sa itaas ng burol sa bukana ng ilog Santol, at ang ikatlo ay sa dalampasigan ng Cabcaben. Ang bawat cota ay may sukat na 50 metrong parisukat na may mga kanyon na nakaharap sa dagat.
Dahil sa pagasalakay ng mga piratang Moro at pamiminsala sa Camaya noong 1753, napilitan si Gobernador Heneral Pedro Manuel Arrandia na baguhin ang Corregimiento de Mariveles at itatag ang lalawigan ng Bataan noong 1757.
Sa proklamasyon ay nahiwalay ang Hermosa, Abucay, Balanga, Odyong (Orion), sa Pampanga. Ang mga bayang ito ay isinama sa Mariuma (Morong), Bagac, Camaya (Mariveles) upang mabuo ang lalawigan ng Bataan. Pinangalanan din ang Cabcaben bilang unang Cabisera ng lalawigan sapagkat ang kabayanan ng Mariveles ay mahirap marating noon. Ang Corregidor at Maragondon ay nasama sa Cavite.
Noong Hulyo 1, 1882, apatnapu’t dalawang (42) “vecinos” (opisyales) ng Cabcaben sa pangunguna ni Andres Calimbas Cabeza de Barangay, ay nagpetisyon kay Gobernador Heneral Fernando Primo de Rivera, Marquis de Estella na mahiwalay ang Cabcaben at ang magiging bagong pangalan ay “Estella” . Noong Setyembre 25, 1883, ito ay tinagggihan ng Gobernador ng Bataan na si Gaspar Castaño.

Mga Katipunero sa Mariveles
Sa pagsiklab ng himagsikan noong 1896, naging marahas ang pagtrato ng mga Kastila sa mga taga-Mariveles at mas lalo nilang pinalakas ang kanilang puwersa sa bayan.
Bago matapos ang 1896, si Francisco Dinglas na taga Corregidor, kasama si Teodoro Barcarse ay nanghikayat ng kasapi sa Katipunan sa Mariveles. Kabilang sa unang napabilang ay sina Ciriaco Ramos, Vicente Angeles, at Florentino Llagas.
Copo de Mariveles
Makalipas ang pakikipagpulong nila Rafael Echevarria at Crisanto Rodriguez kay Hen. Emilio Aguinaldo na kararating mula sa Hongkong, ang mga Katipunero ng Mariveles, sa pamumuno ni Antonio Mendoza ay nagkaisang mag-alsa laban sa lokal na puwersa ng mga Kastila.
Pagkatapos ng dalawang nabigong pagtatangka, noong Mayo 31, 1898 sa pamamagitan ng hudyat ng bombo hawak lamang ay mga gulok, kawayang sibat, at ilang baril ay matagumpay na sinalakay ng mga Katipunero ang Casa Tribunal at napatay ang 25 sundalong Kastila.
Kalupitan ng mga sundalong Amerikano
Nagkaroon mga pakikipaglabang palihim sa Bataan ng pumasok ang puwersang Amerikano sa Hermosa noong Disyembre 3, 1899. Ang rebolusyonaryong kasundalohan sa Bataan ay pinamumunuan ni Hen. Tomas Mascardo, kasama si Major Manuel L. Quezon bilang ayudante.
Naging biktima ng karahasan ng mga Amerikano sa Mariveles sina Severino Palma, Maximino Rubia at anak na lalaki, isang nangangalang Tavis, Juanito (Jovito ) Balbuena at Urbano Jordan at iba pa na mga pinahirapan muna bago binaril at iniwan na lang kung saan pinaslang. Si Jordan ay nilapa na ng aso ang mukha bago natagpuan ng anak.
Nang madakip si Hen. Aguinaldo, sa utos ni Hen. Tomas Mascardo, si Maj. Manuel L. Quezon ay sumuko sa Lazarreto kay Ten. Lawrence Miller. Ang dahilan nito ay upang malaman niya ang saloobin ni Hen. Aguinaldo sa pamamagitan ni Quezon ang tungkol sa kanilang pakikipaglaban sa mga Amerikano.
Ang Thomasites
Noong 1901 din dumating sa Pilipinas ang mga gurong Amerikano sakay ng USS Thomas (kaya sila tinaguriang Thomasites). Idinestino sila sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas at dalawa ang itinalaga sa Bataan. Isa sa dalawa ay itinalaga sa Mariveles na ang pangalan ay C.H. Goddarch.
Reserbasyong Militar ng Amerikano
Ang Pamahalaang militar ng Amerika ay idineklarang reserbasyon militar ang buong Bayan ng Mariveles sa bisa ng US Navy Department Order No. 67 na may petsang Nobyembre 14, 1901. Ito ay sinusugan ng US Army General Order No. 38 na may petsang Abril 17 1903.
Ang unang Estasyon ng Telegrapo ay itinayo ng US Signal Corps sa Plaza Tagumpay sa harap ng Estasyon ng Kwarentenas noong 1902. Ang Corregidor ay konektado sa Maynila sa pamamagitan ng estasyong ito. Isang dating sundalo ng Lakas Sandatahan ng Amerika sa labanan sa Mexico, Isaac Lloyd, isang Afrikano-Amerikano at ama ng Mystery Singer, Cecil Lloyd, ang unang namahala dito.
Sistema ng Suplay ng Tubig
Ang unang suplay ng tubig,1946, na maiinom sa mga kabahayan ay isinagawa ng mga Amerikano. Ang tubig ay nagmumula sa isang maliit na dam sa Lilimbin na kinabitan ng mga tubo patungo sa kwarentenas. Dito natitipon, nililinis at pinapadalisay bago ipamahagi sa kabayanan ng Mariveles.
Noong Marso 29, 1904, si Heneral Artemio Ricarte na hindi kailanman sumuko sa mga Amerikano at piniling magtago sa Mariveles, tinangkilik siya ngunit ipinagkanulo at nadakip sa isang sabungan sa Mariveles.
Si Ricarte ay namasukan bilang iskribyente (clerk) sa lokal na pamahalaan at nanirahan sa kanang tagiliran ng Lazarreto.
Mga Relihiyon sa Panahon ng Amerikano
Itinatag ni Isabelo delos Reyes ang Iglesia Filipina Independiente noong Agosto 2, 1902, at noong Mayo, 1904, buhat sa Maragondon, Cavite, ilang misyonerong Pilipino ang nagmisyon sa Mariveles. Isinagawa nila ang renobasyon sa iniwang kapilya ng Simbahang Katoliko sa Sitio Samento (Balon). Dito nila isinagawa ang kanilang mga unang misa at iba pang serbisyong pang-espirituwal.
Sa taong 1904 din, si Bro. Fernando Manikis, isang manggagawa sa patibagan ng bato sa Sisiman, ay pinangunahan ang pangangaral tungkol sa Salita ng Diyos sa kanyang kapwa manggagawa sa panahon na libre o “off-hours”. Ang kanyang matiyagang pagpupunyagi ay nagbunga sa pagkakatatag ng “Church of Christ sa Mariveles ”at kabilang sa mga unang naging kasapi ay ang mga Echevarria, Maglaya at Roy.
Noong 1922, ang mga Amerikano ay nagtayo ng isa pang piyer o pantalan sa harap ng Istasyon ng Kwarentenas katabi ng lumang pantalan, pagkatapos na mahinuha ang estratehikong kahalagahan ng Mariveles.
Ang unang paaralan sa Mariveles ay nagsimula sa Kuwarentenas (Quarentine Station) noong 1901. Ang unang guro ay mga sundalong Amerikano sa pamamatnubay ni C.H. Goddarch, isa sa mga gurong ipinadala sa Pilipinas na lulan ng barkong “THOMAS”.
Sa panunungkulan ni Mayor Esteban Gonzales (1908-1909) itinayo ang dalawang kuwarto na yari sa kahoy at pawid katabi ng bahay pamahalaan sa daang Zamora. Nagsimula ito sa una at ikalawang baitang. Sa mga sumunod na taon ay natayo ang karagdagang silid-aralan at nakumpleto ang paaralan mula sa una hanggang ikapitong baitang sa panahon ni Mayor Valentin Semilla noong 1910. Ang mga guro ay si C.H. Goddarch at tatlong boluntaryong gurong estudyante na taga-Mariveles.
Ang paglaki ng populasyon ng paaralan ay nagbunsod kay Mayor Claro Paguio (1919-1922, 1922-1925) upang maghanap ng malaking lupa na pagtatayuan ng paaralan.
At sa dulo ng daang Laya; noong 1925, itinayo rito ang gusaling Gabaldon na may apat na kuwarto. Ang gusaling gabaldon ay may sukat na 9 metro x 10 metro bawat kwarto, yari sa kahoy at yero, tabla ang sahig, mataas ang silong at kapis ang malalaking bintana. Ang arkitektura ay ayon sa disenyo ng mga Amerikano.
Dito pumasok ang ika-lima hanggang ika-pitong baitang at nanatili ang una hanggang ika-apat sa dating kinalalagyan ng paaralan malapit sa bahay pamahalaan.
Noong Enero 25, 1923, pitong (7) barko ng mga Russo ang dumaong sa baybayin ng Mariveles. Sinundan ito ng isa (1) pang barko noong Enero 30 at tatlong (3) barko noong Pebrero 1, 1923. Ang mga barkong ito ay may lulang anim naraan at dalawamput isa (621) na tripulante at isang daan at walumput siyam (189) na babae at lalaking pasahero. Sinuri sila, ginamot ang may sakit, nilinis at binihisan sa Kwarentenas. Noong Marso 30, 1923, pinaalis sila patungo sa Olongapo.
Paghahanda sa War Plan Orange
Bilang base-militar, ang Mariveles ay inihanda ni General Douglas McArthur sa ilalim ng “War Plan Orange” kung saan ang puwersang pandigma ng Amerikano at Pilipino ay aatras ng Bataan bilang huling larangan ng pagtatanggol sa pagkakataong kinakailangan.
Ang biglaang pagsalakay ng pwersang Hapon sa Pearl Harbor sa Hawaii noong Disyembre 8, 1941 ang naging hudyat sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Disyembre 10, sumalakay at dumaong ang dalawang pangkat ng Hapon sa hilagang bahagi ng Luzon upang maalisan ng lakas at kakayahan ang dalawang paliparan.
Ang mahahalagang establisimyentong militar ng Amerikano sa Pilipinas ay isa-isang bumagsak at namayani ang lakas ng Hapon. Ipinasiya ni Hen. Douglas McArthur, pinakamataas na kumander ng USAFFE na pairalin ang War Plan Orange.
Habang nakikipagdigmaan, binuksan ang Airfield sa Cabcaben at sa Lucanin noong Disyembre 20,1941 at ang Mariveles Airfield, na binansagang “Palafox Red”, nabinuksan noong Pebrero 23, 1942 ng US Army.
Dalawang emergency hospital ang naitayo: isa sa Little Baguio bago bumaba ng Zigzag Road at ang ikalawa ay sa Cabcaben at ang ikatlo ay sa may paanan ng daang Zigzag.
May mga tunnel rin sa paanan ng Zigzag na naging imbakan ng mga kasangkapan at ginawang lugar ng pagkukumpuni ng lahat ng gamit sa digmaan. Katulong ng barkong USS Canupos, isang Submarine Tender, na nakadaong sa Lilimbon at USS Admiral Dewey, Floating Drydock, na nakadaong sa Nasui.
Ang lupang nasasakop ng ginibang Paaralang Elementarya ng Mariveles ay ginawang pansamantalang libingan ng USAFFE.
Iba’t ibang konkreto at nakatagong pasilidad para sa pagmamatyag ay itinayo gaya ng : (1) sa ibabaw ng Cochino Point , (2) sa ibabaw ng San Miguel Point, (3) at ang Signal Hill na matatagpuan sa Barangay Biaan.

Sa pamumuno ni Tenyente Heneral Masaharu Homma, ng puwersang militar ng Hapon, nasupil ang lahat ng hanay ng pagtatanggol na binuo at itinayo ng pwersang Amerikano at Pilipino. Maliban sa magiting na pagtatanggol at tagumpay sa punta Longos Kawayan, sa Mariveles.
Ang Mariveles ay mistulang “ghost town” habang ang puwersa militar ng Hapon ay palapit. Dinurog ng lumusob na puwersa ng Hapon ang Mariveles maliban sa simbahan ng Katoliko at Aglipayano at ang mga monumento nila Rizal at Bonifacio.
Ang ilan sa namamayan dito ay piniling magpaiwan at magtago sa madawag at makapal na gubat ng Mariveles. Subalit ang nakararami ay lumikas hanggang sa malayong lalawigan ng Cavite, Bulacan (Hagonoy), lungsod ng Maynila, at isla ng Mindoro sa ibayong dagat.
Pagsuko ng Bataan
Bunga ng kasalatan sa pagkain, gamot at kagamitan at sa lumiliit na bilang ng mga lumalabang sundalo, noong Abril, 1942, sa utos ni US Major Gen. Edward P. King, si Brigadier Gen. William Ives ay nakipagtalastasan sa mga hapon tungkol sa pagsuko na naganap sa may paanan ng bundok malapit sa Cabcaben (Townsite ngayon) ngunit ginanap ang pagsuko sa Imperial Army ng Hapon sa Balanga.
Death March
Abril 9, 1942, tinipon ang mga “Prisoner Of War” (POW) sa Paliparan 53 ng Mariveles. Noong Abril 10, 1942, ang karumal-dumal na Death March ay nag simula sa Mariveles at Bagac hanggang Capas, Tarlac. Ang nakakahambal na pagmartsa nang walang pagkain at inumin, bagamat may paminsan-minsang nanggagaling sa mga sibilyan sa kabila ng ambang panganib na mahuli ng Hapon. Ang mga bilanggo ng digmaan ay binayoneta o pinahirapan ng guwardiyang Hapon sa maliit o walang kadahilanan. Ang mga nakaligtas at nakarating ng San Fernando, Pampanga ay isinakay sa mga bagon ng tren patungong Capas, Tarlac, na halos kalahati na lamang ang bilang.
Pagpasok ng mga Amerikano sa Bataan
Noong Oktubre 20, 1944, ang puwersa militar ng Amerikano sa pamumuno ni Gen. Douglas McArthur ay nagbalik Leyte kasama si Carlos Romulo at Pangulong Sergio Osmena . Ang puwersang Amerikano ay pumasok sa Maynila noong Pebrero 4, 1945 at di-kalaunan ang buong Bataan ay napalaya noong Pebrero 15, 1945 sa mga Hapon.
Ang mga Hapon sa isang orhiya ng dugo ay pumatay ng libong Pilipino at banyaga sa Maynila. Kasama sa pinatay si Antonio G. Llamas, ang kaisa isang Congressman na taga Mariveles, ang kanyang asawang si Margarita Marfori at ang kanyang ama .
Pagpasok ng mga Amerikano sa Mariveles
Noong Pebrero 11, 1945 , ang puwersang Amerikano ay naglayag tungong timog kanluran ng Bataan. Pebrero 15 , ang mga sundalong Amerikano , 151st Infantry Regiment, lulan ng LVT (landing vehicle, tracked) ay dumaong sa dalampasigan ng Mariveles habang ang LST (landing ship tank) sa dagat ay patuloy na pagbomba sa kabayanan gamit ang .50 Cal and .30 Cal machine guns upang maprotektahan ang mga sumasalakay na mga sundalo.
3rd Ocean Towage and Lighterage Pool
Ang malaking bilang ng mga maliliit na barko ng 3rd Ocean Towage and Lighterage Pool na naging 3rd Ocean Towage and Lighterage Group, buhat sa New Guinea ay dumaong sa baybayin ng Mariveles.
Sa panahong ito, maraming taga Mariveles ang nagsibalikan at muling namayan na pansamantalang sumagana sa “PX goods” at mga gamot mula sa mga sundalong Amerikano.
Mariveles Quarantine Station
Ito ang naging “campo-militar hospital” noong nakaraang digmaan pandaigdig. Ang piyer ay ginamit na babaan ng panustos (supply) para sa sundalong USSAFE sa Bataan. Noong 1945 ang himpilan ay ang naging kumpunihan ng mga “barkong pandigma” tulad ng 3rd Ocean Towage and Lighterage Pool, Transportation Corps. at ilang barko ng US.
Noong Mayo 23, 1946, si Brig. Gen. Howard. F. Smith, sa ilalim ng U.S. Public Health Service ay itinalaga upang pamahalaan ang Mariveles Quarantine Station. Simula Hunyo 1, taon ding yaon, nanawagan para sa pageempleyo ng mga doktor at narses na Pilipino sa Kwarentenas.