Kahapon po, ika-30 ng Agosto, nakipagpulong po tayo sa ating mga Department Heads, mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice-Mayor Lito Rubia at mga National Offices sa ating lalawigan bilang bahagi ng ating Executive-Legislative Agenda para sa tatlong-taong plano para sa ating bayan.
Nagpapasalamat po tayo sa ating mga kasama sa ating pamahalaan sa kanilang kooperasyon para makatulong sa ikabubuti at ikauunlad ng Bayan ng Mariveles.