PABATID SA PUBLIKO UKOL SA PAGSASAAYOS NG TRAPIKO
By Barangay San Carlos on Thursday, Jul 21, 2016

PABATID SA PUBLIKO UKOL SA PAGSASAAYOS NG TRAPIKO

Petsa: Hulyo 21, 2016

Para sa: LAHAT NG KINAUUKULAN AT MGA MAMAMAYAN NG BARANGAY SAN CARLOS

Tungkol sa: PAGSASAAYOS NG DALOY NG TRAPIKO AT PARADAHAN, PAG- AALIS NG MGA HAMBALANG SA MGA DAANAN, PANGHUHULI SA ILLEGAL PARKING/ VENDING ACTIVITIES

Ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles at Pamahalaang Barangay ng San Carlos ay magpapatupad ng mga pagbabagong-hangad ng ating mga kababayan para sa kaayusan ng kabayanan ng Mariveles sa buong nasasakupan ng Barangay San Carlos.

Ang pagpapatupad nito ay nakabatay sa Seksyon 31 ng Municipal Ordinance No. 31, S. 2011 na may ganitong nakasaad: “SECTION 31. OBSTACLES-FREE ROAD – All municipal, barangay and national roads within the jurisdiction of this municipality shall be free from obstacles such as parked vehicles, junks, goods and other obstacles at all times thus to ensure emergency vehicles such as fire truck and ambulance had a free access at all times.”

Simula sa Agosto 1, 2016 (Lunes), ipapatupad ang mga sumusunod:

1. Ang delivery time sa lahat ng business establishments sa loob at labas ng palengke ay ipinagbabawal mula ika-4 hanggang ika-8 ng gabi. Dahil dito, ipinakikiusap na ang mga manininda ay makipag-ugnayan sa kanilang supplier upang maiwasan ang pagkakaroon ng penalty.

2. Ipinagbabawal ang anumang paghimpil (parking) ng anumang uri ng sasakyan sa lahat ng daanan sa Barangay San Carlos mula alas-5 ng umaga hanggang ika-9 ng gabi. Awtomatikong bibigyan ng violation ticket ang lalabag dito.

3. Ang lahat ng customer ng mga may-ari ng negosyo ay maaaring humimpil panandalian na nakabukas ang babalang ilaw (blinker lights) nang hindi hihigit sa labinlimang minuto (15 minutes).

4. Ipinagbabawal ang lahat ng uri ng pagtitinda sa tulay, sidewalks, public pavements at walkways anumang oras. Hindi mag-aatubili ang awtoridad na kumpiskahin ang mga paninda ng mga lalabag dito. Bilang pagtugon naman sa panawagan ng mga manininda na bigyan silang pagkakataong maghanap-buhay nang marangal, magtatalaga ang Pamahalaang Bayan ng isang lugar malapit sa Mariveles Sports Complex upang maging panandalian nilang pagtitindahan.

5. Ipinagbabawal ang anumang extension ng negosyo sa mga sidewalks at daanan na nakakahambalang sa daaanan ng tao at sasakyan. Hindi mag-aatubili ang awtoridad na kumpiskahin ang mga paninda ng mga lalabag dito. Ipinakikiusap na magkusa na sanang alisin ang mga trapal ng mga nakahambalang sa daanan, at huwag nang hintayin na ang mga awtoridad pa ang silang magtanggal nito.

6. Ang elevated sidewalks, pathways at pedestrian lanes ang magiging tamang daanan ng tao. Ang steel sidewalk sa concrete bridge ng Barangay San Carlos ay panandaliang isasara sa mga pedestrian upang magbigay-daan sa repair at maintenance nito upang maging ligtas na daanan ng tao.

7. Magtatalaga ang Pamahalaang Bayan ng mga designated parking areas para sa mga mamamalengke, na may nakalaang paradahan para sa mga motor at mga pribadong sasakyan.

8. Ang Pamunuan ng Pamilihang Bayan ng Mariveles ay magpapatupad rin ng complementary measures sa pagsasaayos ng palengke. Ito rin ay sisimulang ipatupad sa Agosto 1, 2016.

9. Magkakaroon ng pagpupulong ang mga iba’t-ibang samahan ng mga drayber at operator ng mga pampublikong sasakyan bago ang Agosto 1, 2016 upang magtalaga ng mga tamang paradahan ng kanilang mga sasakyan, at sakayan at babaan ng mga tao.

10. Ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles at Pamahalaang Barangay ng San Carlos ang magpapatupad ng mga alituntuning ito, kasama ang mga kawani ng Municipal Planning and Development Office, Market Office, Public Safety Office at Philippine National Police.

Bilang punitive measure sa mga lalabag sa mga panuntunang ito, mahigpit na ipapatupad ang mga alintuntunin ng Batas Trapiko ng Bayan ng Mariveles, S. 1993, Municipal Ordinance No. 81, S. 2011, at ng Barangay San Carlos Disaster Risk Reduction and Management Ordinance of 2015. Ang Public Safety Office (PSO) ay mahigpit ding magpapatupad ng ticketing system para sa mga lalabag sa mga panuntunang pambayan.

Kung may katanungan sa mga nilalaman nito, itinatalaga natin ang Barangay Hotline No. 935-6837 o kaya ang Facebook page na “Barangay San Carlos” upang tumugon sa inyong mga katanungan.

Inaasahan po ang pakikiisa ng lahat para sa kaginhawahan at kaayusan ng ating kabayanan.

Maraming salamat po.

 

Source: https://www.facebook.com/HappierLifeSanCarlos/posts/657294621090663?__mref=message_bubble
Facebook Page: https://www.facebook.com/HappierLifeSanCarlos/?fref=nf